IQNA

Ginawaran ang mga Nanalo sa Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan sa Dubai para sa Kababaihan

9:10 - September 25, 2023
News ID: 3006059
DUBAI (IQNA) – Ang ika-7 edisyon ng Sheikha Fatima Bint Mubarak na Pandaigdigan na Kumpetisyon ng Qur’an para sa mga kababaihan na natapos sa isang seremonya sa Dubai.

Ang mga nanalo sa patimpalak ay inihayag at ginawaran sa pagsasara ng seremonya na ginanap sa Bulwagan ng Kultura at Agham Seminar sa lugar ng Al Mamzar ng Dubai noong Biyernes.

Iyon ay dinaluhan ng ilang bilang na mga opisyal, gayundin ng malaking bilang ng mga kababaihan sa komunidad, mga kalahok at kanilang mga kasama, mga direktor ng sentro ng pag-uunawa sa Banal na Qur’an at mga kinatawan ng mga parangal at mga institusyon ng Qur’an sa United Arab Emirates.

Kasunod ng pagbigkas ng mga talata mula sa Banal na Qur’an at isang dokumentaryo na nagtatampok sa kumpetisyon mula noong inagurasyon nito pitong mga taon na ang nakakaraan, ang mga nanalo ay inihayag at ginawaran,

Ang Jordaniano na kalahok na si Sundos Saeed Mohammed Siddawi ang nanalo sa unang puwesto, si Amad Al-Rahman Badi Gulai mula sa Bahrain ang pumangalawa, Yasmin Old Daly mula sa Algeria, Masla Jamal Al-Din mula sa Indonesia at Asma Abdel-Rahman Abdullah Abdul-Malik mula sa Yaman ang sumunod .

Ang ikaanim na puwesto ay napunta kay Andy Buso Zatra ng Senegal, habang ang mga kalahok ng Bangladesh na sina Naseeba Huq Feza at Ayesha Hameed Muhammad mula sa Cameroon ay umabot sa ikapito at ikawalong mga ranggo.

Ang ikasiyam na puwesto ay napunta kay Tanzaniano na si Sumaya Ali Juma. Si Samira Noor Mullum ng Finland ay tumapos sa ika-sampu, nakipag-rematch kay Nabila Nansubuka ng Uganda.

  • Ika-7 na Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan para sa Kababaihan ay Nagsisimula sa Dubai

Ang kumpetisyon ay inilunsad sa lungsod ng UAE noong Sabado na may paglalahok ng mga magsasaulo ng Qur’an mula sa 60 na mga bansa.

Nagpaligsahan sila sa kategorya ng pagsasaulo ng buong Qur’an.

Ang lupon ng mga hurado ng paligsahan ay binubuo ng mga dalubhasa sa Qur’an mula sa punong-abala na bansa pati na rin sa Ehipto, Oman, Bahrain, Saudi Arabia, at Syria. Tatlo sa mga miyembro nito ay babaeng dalubhasa sa Qur’an.

Ang Dubai International Holy Quran Award (DIHQA) ay taunang nag-oorganisa ng pandaigdigan na Qur’anikong kaganapan para sa mga kababaihan mula sa iba't ibang mga bansa.

                                                                                                                    

3485273

captcha