IQNA

Binigyang-diin ng Ghanaiano na Magsasaulo ang Pag-aaral ng Pagpapakahulugan ng Qur’an

8:21 - February 25, 2023
News ID: 3005196
TEHRAN (IQNA) – Binigyang-diin ng isang tagapagsaulo ng Qur’an mula sa Ghana ang pangangailangan para sa mga magsasaulo na magsikap ding matuto ng pagpapakahulugan ng Banal na Aklat.

Si Amina Ibrahim, sino nanalo ng pinakamataas na premyo sa kategorya ng pagsasaulo (bahagi ng kababaihan) ng Ika-39 na Paligsahan ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan sa Iran, ay nagsabi sa IQNA sa isang panayam na sa pamamagitan ng pag-aaral ng pagpapakahulugan ng Qur’an, ang mga magsasaulo ay maaaring matuto nang higit pa tungkol sa mga turo ng Banal na Aklat na inihayag para sa patnubay ng sangkatauhan.

Pinuri pa niya ang Iran para sa pag-oorganisa ng Paligsahan ng Qur’an na Pandaigdigan, na sinasabing ang mga kaganapang ito ay nakakatulong upang maakit ng mas maraming kabataan sa Aklat ng Diyos.

Sinabi niya na ang kumpetisyon ay nagbigay ng pagkakataon para sa mga aktibista ng Quran mula sa iba't ibang bansa upang malaman ang tungkol sa isa't isa at iba't ibang kultura.

Amina Ibrahim ay nagpahayag din ng pag-asa na ang mga ugnayan sa pagitan ng Qur’anikong mga institusyon ng kanyang bansa at ang Islamikong Republika ng Iran ay mapapahusay.

Tinanong tungkol sa kanyang paglalakbay sa Qur’an, sinabi ng 18-taong-gulang na magsasaulo na sinimulan niyang pag-aaralan ang Qur’an sa edad na 4 sa tulong ng kanyang pamilya.

Sinabi niya na kabisado niya ang buong Banal na Aklat sa edad na 14, na binanggit na ang kanyang kapatid na lalaki at babae ay mga magsasaulo din ng buong Qur’an.

Dati nang nakibahagi si Amina sa Gantimpala ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan sa Dubai noong 2022 ngunit hindi nanalo ng ranggo.

Si Layla Afara mula sa Lebanon, na dumalo sa kategoryang Tarteel sa bahagi ng kababaihan ng paligsahan ng Iran, ay nakipag-usap din sa IQNA tungkol sa kaganapan, na naglalarawan dito bilang isang lugar para sa mga aktibistang Qur’an mula sa iba't ibang mga bahagi ng mundo upang makilala ang isa't isa.

Sinabi niya na natutunan niya ang Qur’an at Tarteel sa isang pangunahing institusyon ng Qur’an sa kanyang bansa. Tinukoy niya sina Belqays Harb Jafar at Hajj Adel Mahmoud Khaili bilang kanyang mga guro sa Qur’an.

Ghanaian Memorizer Underlines Learning Quran Interpretation

Nabanggit ni Layla na pumangalawa siya sa isang pambansang kumpetisyon ng Qur’an sa Lebanon noong nakaraang taon at ito ang kanyang unang paglahok sa isang pandaigdigan na kaganapan sa Qur’an.

Nagtapos siya ng pangalawa sa Tarteel na kategorya ng paligsahan.

Samantala, si Nasrin Khaledi mula sa Algeria, na pumangatlo sa kategorya ng pagsasaulo, ay nagsabi sa IQNA na natutunan niya ang Qur’an simula sa batang edad at nagawang isaulo ang buong Banal na Aklat sa suporta ng kanyang pamilya.

Sinabi niya na ito ang kanyang unang karanasan bilang isang kalahok sa isang pandaigdigan na kaganapan sa Qur’an, na binanggit na minsan ay nanalo siya sa pinakamataas na ranggo sa isang pambansang paligsahan sa pagsasaulo ng Qur’an sa Algeria.

Nabanggit ni Nasrin na nakinig siya sa pagbigkas ng Qur’an ng mga dakilang Ehiptiyano na qari katulad nina Sheikh al-Minshawi at Sheikh al-Husari upang isaulo ang Qur’an at matuto ng pagbigkas.

Ghanaian Memorizer Underlines Learning Quran Interpretation

Pinuri rin niya ang antas ng kumpetisyon sa Qur’an ng Iran, ang mahusay na antas ng organisasyon nito at ang mabuting pakikitungo ng mga Iraniano.

Ang Ika-39 na Paligsahan ng Banal na Qur’an na Pandaigdigan ng Iran ay nagtapos sa isang seremonya noong Miyerkules ng gabi, kung saan ang mga nanalo sa iba't ibang mga kategorya ay pinangalanan at ginawaran.

Ang edisyong ito ng pandaigdigan na kaganapan sa Qur’an ay ginanap sa dalawang mga yugto, kung saan ang unang pag-ikot ay dinaluhan ng 150 na mga maglalaban mula sa 80 na mga bansa.

Mula sa kanila, 52 na mga qari at mga magsasaulo mula sa 33 na mga bansa ang nakapasok sa huling ikot, na alin nagsimula sa Tehran noong Sabado.

 

 

3482583

captcha