IQNA

Ang Kumpetisyon na Pandaigdigan ng Qur’an ay Nagliliwanag sa Hamburg

10:13 - November 16, 2022
News ID: 3004791
TEHRAN (IQNA) – Inilarawan ng pinuno ng Institusyon ng Pagsasaulo ng Qur’an ng An-Nour na inorganisa ng kumpetisyon ng Qur’an na Pandaigdigan sa Moske ng Noor sa Hamburg, Alemanya, ang paligsahan bilang isang mahalagang kaganapan sa Qur’an.

Sinabi ni Samir Khaled Rajab na ang kumpetisyon ay isang ilaw na nagpapaliwanag sa Moske ng Noor at sa lungsod.

Ito ay isang lugar kung alin ang mga tao ng Qur’an ay pinahahalagahan at pinarangalan, sinabi ni Rajab, sino miyembro din ng lupon ng mga hukom.

Binanggit niya ang isang Hadith mula sa Banal na Propeta (SKNK) sino nagsabi, "Ang Diyos ay may mga espesyal na kaibigan sa mga tao at sila ang mga tao ng Qur’an."

Nanalangin si Rajab na ipagkaloob ng Diyos sa lahat ang pagpapala ng pagiging kabilang sa mga tao ng Qur’an.

Ang kumpetisyon na pandaigdigan ng Qur’an ay nagsimula sa Hamburg noong Biyernes at nagtapos noong Linggo.

Ang mga tagapagsaulo ng Qur’an mula sa 33 na mga bansa ay nakibahagi sa pandaigdigan na kaganapan, na inorganisa ng Institusyong Pagsasaulo ng Qur’an ng An-Nour na kaanib sa Samahan ng Kawanggawa na Islamiko ng Kuwait.

Nakipagkumpitensya sila sa apat na mga kategorya ng pagsasaulo ng limang mga Juz (mga bahagi) ng Qur’an para sa mga nasa edad na labing-anim pababa, pagsasaulo ng sampung mga Juz para sa mga may edad sa pagitan ng 16 at 18, pagsasaulo ng 15 na mga Juz para sa mga wala pang 25 at pagsasaulo ng buong Qur’an para sa mga wala pang 30 taong gulang.

Kasama sa iba pang miyembro ng lupon ng mgahukom ng kumpetisyon sina Ahmed al-Asrawi mula sa Ehipto, Hafiz Shaheen mula sa Turkey, Waleed al-Maneese, ang bise presidente ng Islamic University of Minnesota sa US, at Sheikh Hisham al-Azimi mula sa Morocco.

Ang kumpetisyon ay naglalayong hikayatin ang mga Muslim na basahin at isaulo ang Qur’an at ipatupad ang mga turo nito, sinabi ng mga tagasapag-ayos.

Ang pagpapanatili ng panrelihiyon na pagkakakilanlan, pagpapalakas ng pananampalataya ng mga tao, at pagtataguyod ng mga pagpapahalaga sa Qur’an sa mga kabataan ay kabilang sa iba pang mga layunin nito.

 

 

3481244            

captcha