IQNA

Ang Amerikanong Iskolar ay Tumitingin sa Shia Islam mula sa Pananaw sa Kasaysayan

10:42 - July 25, 2021
News ID: 3003000
TEHRAN (IQNA) - Ang unang sesyon ng isang "Pandaigdigang Masinsinan na Kursong Pang-Akademiko ng mga Pag-aaral ng Shia" ay ginanap noong Lunes, Hulyo 12, sa pamamagitan ng panayam ni Dr Najam Haidar, isang propesor sa Departamento ng mga Pananampalataya sa Barnard College, Columbia University.

Ang Instituto na Pandaigdigan ng Hikmat ay inayos ang kursong pang-akademiko.

Natanggap ni Dr Najam Haidar ang kanyang PhD noong 2007 mula sa Princeton University. Ang kanyang pagsasaliksik ay tungkol sa kasaysayan ng maaga at kapanahon ng mga siglo ng Islam na may pagbigay diin sa epekto ng kolonyalismo at modernidad sa pampulitika at panrelihiyong talakayan sa mundong Islamiko at interesado sa kasaysayan ng Islam, Islamiikong hurisprudensya at Shiismo. Noong 2011, naglathala siya ng isang aklat, "Ang mga Pinagmulan ng Shi'a", Cambridge University Press. Gayundin sa kanyang iba pang aklat na pinamagatang "Shia Islam" nauukol niya ang tatlong mga sangay ng Zaydi, Shia 12 Imami at Ismaili.

Ang sumusunod ay mga sipi mula sa kanyang panayam:

Ang aking tanawin ay nasa maagang Islam at katulad ng marami sa inyo ay malalaman na may mga paksa na nauugnay sa pag-aaral ng maagang Islam at ang mga paksa ay nakasentro sa kanilang mga mapagkukunan mismo. Wala tayong masyadong mga mapagkukunan at ang mayroon tayo ay napaka-kontrobersyal na patungkol sa kanilang pagiging tunay at ang mga tao ay hindi sigurado kung ano ang gagawin sa kanila. Kaya't ang isa sa mga pangunahing katanungan ng maagang Islam ay kung paano haharapin ang likas na hilig ng problematikong materyal na mapagkukunan at kung paano ito daanan upang makabuo ng isang ideya ng kung anong nangyari nang maaga.

Mayroong iba't ibang mga pagsasalaysay at mga teorya tungkol sa kung paano nabuo ang Shiismo, na ang karamihan ay nakatuon sa panahon pagkatapos ng kamatayan ng Propeta (SKNK). Pagkatapos ng pagkamatay ng Propeta, nagkaroon ng debate tungkol sa kahalili niya at kung sino ang karapat-dapat na humalili sa Propeta (SKNK). Mayroong isang pangkat na nagsabing si Ali ibn Abi Talib (AS) ay dapat na kahalili ng Propeta, at sa kabilang banda, isa pang pangkat ang naniniwala na si Abu Bakr ay nararapat na humalili sa Propeta. Isinalaysay ng bawat pangkat ang Riwayat at mga kuwento bilang suporta sa kanilang mga paniniwala. Mula sa pananaw na ito, ang Shiismo ay nabuo kaagad pagkamatay ng Banal na Propeta (SKNK), iyon ay, pagkatapos ng Propeta, isang pangkat ng mga tao ang tinawag na mga Shia at ang iba pa ay tinawag na mga Sunni.

Ang ikalawang pananaw ay nagsasaad na si Abdullah ibn Saba, isang Hudyo sa Mekkah, ay tagapagsimula ng Shiismo. Ang mga tagataguyod ng teoryang ito ay naniniwala na ang Shiismo ay nagambala sa ginintuang panahon ng Islam. Ang pananaw na ito ay walang pang-agham na katwiran o kredibilidad, at maging ang makasaysayang pagkakaroon ng taong ito ay hindi napatunayan sa atin.

Mayroong pangatlong pananaw na naniniwala na ang Shiismo ay laganap sa Iran mula pa noong panahon ng Safavid at sa katunayan ay nabuo noong ika-15 siglo. Naniniwala sila na hanggang sa mga panahon ng Safavid, walang pagkakaiba sa pagitan ng mga Shia at mga Sunni at walang ganoong bagay tulad ng mga Shia at mga Sunni, at pagkatapos ng panahong ito na naging magkaiba ang dalawang pangkat.

Pag-usapan natin ang tungkol sa kaalaman ng napatunayan sa kasaysayan at natitiyak natin. Noong unang siglo pagkamatay ng Propeta (SKNK), mayroong isang pangkat ng mga tao sino may isang espesyal na katapatan kay Imam Ali (AS).

Sa panahong ito, ang unang kalip si Abu Bakr at ang pangalawang kalip si Umar ibn al-Khattab ay nagpakilala ng isang paraan na pampulitika batay sa simulain na tinawag na "Sabqa". Sabqah nangangahulugan na maging isang tagapanguna na nagbabalik-loob sa Islam. Iminungkahi nila na kung ang isang tao ay naniniwala sa Propeta nang mas maaga, siya ay magiging higit na may-kakayahan na mamuno sa lipunang Islamiko; Binigyang diin ni Omar ang sistemang ito higit pa kay Abu Bakr.

Bilang karagdagan, sa panahong ito mayroong isang paraan sa loob ng mga tribo na kung ang isang tao ay nagtataglay ng mas mataas na katayuan sa tribo, magkakaroon siya ng mas mataas na maging una upang makakuha ng mataas na mga katayuan.

Sa buhay ni Omar, ang mga taong sino nagbalik-loob ng Islam nang mas maaga ay binigyan ng maging-una, at ang katayuan ng mga pansarili sa kanilang mga tribo ay hindi pinansin. Ngunit binaligtad ni Uthman ang pamamaraang ito at binigyan ng kataasan ang katayuan ng tribo ng mga nagsasarili. Sa kadahilanang ito, ang ilang mga tao ay naging kaaway ni Uthman.

Sinasabi ng mga mapagkukunan ng Shia na si Uthman ay namuno nang 12 mga taon, kung saan ang 6 na mga taon ay mabuti at 6 na mga taon ang masama. Si Uthman ay mula sa tribo ng mga Umayyid. Siya ay itinuturing na isang maimpluwensyang kaanib ng mga Ummayid at nagbalik-loob nang una sa Islam kaysa sa ibang kaanib ng tribo.

Tinanggal ni Uthman ang paraan ng pag-uuna na laganap sa panahong iyon at binigyan ng mauna ang klase at katayuan ng tribo. Dinala niya ang mga pinuno ng tribo sa kapangyarihan. Ang mga walang kilalang katayuan noon ngunit nagbalik-loob ng Islam nang mas maaga kaysa sa iba ay maaaring mamuno sa isang rehiyon sa panahon ni Omar, ngunit binago iyon ni Uthman iyon, na pinalitan iyong sinuman na lalong mas naniwala sa huli dahil sa kanilang katayuan sa klase.

Itong katayuan ay nasaktan ang karamihan sa mga Muslim na hindi Arabo, sino walang katayuan sa tribo. Samakatuwid, ang mga may mas mahabang kasaysayan sa Islam at yaong hindi mga Arabo at sino tinawag na banal o mga Qari (Ang mga mambabasa ng Qur’an) ay apektado sa katayuang ito.

Mayroong teorya na ang mga kumontra sa dating kalagayan ay tinawag na mga Shia, at ang mga Umayyad at ang mga tagasuporta ng pamamahala ni Uthman ay tinawag na mga Sunni, ngunit hindi ito totoo sapagkat sa pagitan ng mga kalaban ng pangatlong kalip, mayroong iba't ibang mga pangkat, kabilang ang mga Kharijite. Samakatuwid, ang mga Sunni ay hindi kapareho ng mga Umayyad, at hindi lahat ng mga kalaban ng ikatlong kalip ay maaaring tawagin na mga Shia.

Ang isang pangkat ng mga taong ito na tinawag na maka-diyos na tao ay pumatay kay Uthman noong 35 AH. Pagkatapos ay si Ali ibn Abi Talib (AS) ang pumalit kay Uthman.

Matapos si Ali (AS), ang kanyang anak na si Hassan (AS) at pagkatapos ay si Hussein (AS) ang pumalit sa kanya, sino gampanan ang pangunahing papel sa pagbuo ng Shiismo. Unti-unting nabuo ang konsepto ng Wilayah; Ang Wilayah ay isang uri ng espesyal na katapatan ng isang pangkat ng mga taong banal kay Imam Ali (AS), at itong konsepto ay para lamang sa Imam na iyon.

Ang mga taong ito ay nagalit na si Imam Ali (AS) ay hindi ang nakapalit sa Propeta. Ang mga ito ay isang napakaliit na pangkat na sumusuporta kay Imam Ali (AS). Hindi binigyang pansin ni Imam Ali ang katayuan ng tribo ng mga nagsasarili, ngunit itinaguyod ang kahusayan ng mga nagsasarili na batay sa kabanalan at pagka-asetisismo.

Ipinalalagay ng banal na tao si Ali bilang kanilang bayani. Gayunpaman, ang pangkat na tinawag na "Shia ng Ali" ay isang napakaliit na bilang ng mga tao na nangako sa katapatan kay Imam Ali at naisip na ang pangkat na ito ay nawala din pagkamatay ni Imam Ali.

Ang pagkamatay ni Imam Hussein (AS) ang sanhi ng pagkalat ng relihiyon ng Shia. Ngunit ang konsepto ng Wilayah ay pinalakas muli, lalo na sa panahon ng Imam Hussein (AS), at lalo na pagkatapos ng kanyang pagkamat sa Karbala, ang pag-ibig ng espesyal na tagasunod ni Imam Ali (AS) ay inilipat kay Imam Hussein (AS).

Kung tatanungin mo ako ano ang ibig sabihin ng Shiismo noong unang siglo, sasabihin ko na ang katapatan ng napakakaunting mga tao kay Imam Ali sa ngayon ay nabuo ang mga Shia. Mula sa ikalawang siglo, ang konsepto ng Wilayah ay lumawak at pinalawak mula kay Imam Ali (AS) sa kanyang mga anak at kumuha ng isang opisyal na anyo.

Sa Aklat "Sunan al-Darimi", na alin isang manunulat na hindi-Shia, nakasaad na noong unang siglo, ang isang tao ay maaaring makilala sa intelektwal na dumedepende sa paraan ng kanyang pagdarasal. Ayon sa ilang mga mapagkukunan, noong ikalawang siglo, ang paraan ng pananamit at pagdarasal ng mga tao ay magkakaiba. Kahit na ang kanilang mga ablusyon ay iba.

Mayroong isang teksto sa pangatlong siglo sa pamamagitan ng isang may-akda na Shia sino naglalarawan sa ilang mga moske sa Kufa bilang mabuti at ang ilan ay masama, kung saan ang mga pagdasal ay naiiba na binigkas. Halimbawa, sa ilang mga moske, binibigkas ng mga sumasamba ang Qunut at sa iba naman hindi nila ito ginawa.

Ang ilan ay hindi nagbasa.

Sa itong panahon, ang mga tao ay nahahati sa mga Shia at hindi mga Shia, at walang paaralang Islamiko na tinatawag na Sunni. Noong ikalawang siglo, ang mga Shia ay may iba't ibang anyo ng pagsamba. Sa panahon na ito, ang konsepto ng paglalakbay ay nilikha at ang paglalakbay sa dambana ng Imam Husayn (AS) ay naging bahagi ng pagkakakilanlan ng mga Shia.

Ang pagbuo ng teolohiya ng Shia at teorya ng Imamah

Unti-unti, nabuo ang Shia kalam (Teolohiya). Ang mga katanungan ay lumitaw tungkol sa kalidad ng pagbuo ng mundo, ang katibayan ng pagkakaroon ng Panginoon, ang paksa ng tadhanan at kaalaman ng Panginoon, na kung saan ang mga teologo ay nagbigay ng iba't ibang mga sagot.

Hanggang sa ikalimang siglo, ang ilang mga paniniwala ng Mu'tazilite ay pumasok sa teolohiya ng Shia at hurisprudensya at nabuo ang teorya ng Imamate. Ang konsepto ng hustisya ng Panginoon ay isa sa pangunahing mga konsepto ng mga Mu'tazilah. Ang ibig sabihin ng hustisya ay ang lahat ng ginagawa ng Panginoon ay nakabatay sa hustisya, at ang konseptong ito ay pumasok sa teolohiya ng Shia.

Ang paniniwala sa "walang kasalanan" ng mga Imam ay lumitaw sapagkat ang Imam ay dapat na tagasalin ng salita ng Panginoon at dapat bigyang kahulugan ang salita ng Panginoon ng tumpak.

Naniniwala rin sila na si Ali (AS) ay dapat na itinalaga bilang isang kahalili ng Propeta at ang iba pang mga Imam ay dapat na itinalaga sa pamamagitan ng nakaraang Imam upang mamumuno sa lipunan.

Sa huli, sasabihin ko na bilang isang mananalaysay, tinitingnan ko ang pagsagawa nito mula sa isang makasaysayang pananaw. Ang sinumang tao na interesado sa iba pang mga larangan ng siyensya ay maaaring lumapit sa pinagmulan ng Shiismo na may pananaw na teolohiko o pilosopiko.

 

 

3475312

captcha